Malaya

 

Kasarinlan

 

Tunay ka bang malaya?

 

O nakatali ka pa rin sa mga bigkis ng madilim na kahapon-

 

Marahang humihikbi kahit nagatatapang-tapangan.

 

Malaya ka ba kahit nakasandal sa matitikas na dingding

 

Dahil nga hindi mo kayang tumayo nang mag-isa?

 

Hindi pa rin nawawaglit ang pagsakop,

 

Bagkus ito ay nagbalat-kayo sa makulay na maskara,

 

Sumasayaw sa mapag-anyayang musika at awit na hirap mong unawain.

 

Nakikisayaw ka, magkaganun man.

 

Dahil nakatingala ka pa rin sa iba.

 

Tulad ng dati

 

At dahil ito na ang itinakda ng kasaysayan, ang malungkot

 

Ngunit hubad na katotohanan.

 

Hindi sapat ang lakas ng iyong bisig upang sagupain ang kalaban-

 

Dahil ang kalaban din ang bumubhay saiyo.

 

Hindi ka malaya,

 

Dahil kailanagan mong yakapin ang bawat bangka

 

Na dumadaong sa iyong matiwasay na dalampasigan.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s