Tamad Akong Magbasa

bob

Ang bilis talaga ng oras-halos kaka-New Year pa lang February na agad! At 28 days lang ang buwan ng mga puso. Pakatapos nun, Graduation and Summer na. (Hindi na pala ako estudyante. So wala nang graduation, wala na ring bakasyon.

Anyways, na-inspire akong magsulat sa Filiino (which I barely do) dahil kakabasa ko pa lang ng Stainless Longganisa ni Bob Ong.

Oo. Nagbabasa din ako. At halos sampung libro na nabasa ko (WOW), lima ata dun kay Bob Ong. E kasi bilang tamad talaga ako, dun lang ako sa maninipis na libro. Yung mga libro ni Bob around 200 pages lang kaya kayang-kaya in one sitting.

ABNKKBSNPLKO macarthur stainless longganisa

Naalala ko nung College: First time kong nabasa yung ABNKKBSPLKo. Syempre, nacurious ako sa title. Although High School palang naririnig ko na yung Bob Ong, hindi naman talaga ako nag-take ng extra mile para matuklasan. E kasi nga tamad ako.

Tapos yun, Bored lang ako and dala na din ng nakikiuso sa binabasa at pinaguusapan sa klase, nakipila na din ako dun sa ABNKKBSNPLKo. (Nakiuso din ako nun nung binabasa nila yung Paolo Coehlo na Eleven Minutes.)

Balik kay Bob, nakuha ng libro ang panlasa ko. Hindi mahirap unawain si Bob Ong, minsan metaphorical (well, madalas actually), pero siya yung manunulat na hindi masyadong mataas ang lipad kaya nagpapang-abot naman kahit papano ang mga ideya. Yung libro na yun, parang kape na kahit ubos na, may lasa pa rin sa bibig.

Hindi naman to book review so, hindi ko na idedetalye laman nung libro. At nakakatamad din. Bukod pa dun, baka mali pa ang masabi ko. Kakahiya naman.

Tapos sunod kong nabasa yung Ang Paboritong Libro Ni Hudas na hiniram ko sa kapatid ko na hiniram niya sa kaklase niya. Nacurious lang din ako sa title. Akala ko horror, morbid. Pero pwede ding ganoon, depende kung anong interpretasyon mo.

MacArthur ang sunod na naging available, (Umaasa lang talaga ako sa hiram). Ito yung libro so far na may plot-may istorya. Pero pakiramdam ko nagbabasa ako ng istorya ng kapit-bahay ko, o malayong kakilala. At alam mo na din kung ano ang pinaka memorable na bahagi nung kwento.

Gustong ko rin sanang bumili ng bagong libro ni Bob Ong nun. Kaso wala talaga sa budget ng estudyante. Sabihin mo pang 100 pesos at di hamak na mas mura, halos tatlong araw na pamasahe ko rin yun. At saka, hindi talaga ako kolektor ng libro. Masasayang lang din dahil kapag nabasa ko na, mabubulok na lang. Bakit pa nga ba ako bibili kung pwede rin naming manghiram?

Hanggang nakagradweyt na ako at nagkatrabaho. Tapos nung grumadweyt yung isang kaibigan ko, wala akong maisip na regalo. Binili ko yung MacArthur—ang unang librong binili at take note, hindi pa para sakin.

Kakabasa ko lang nung Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino at Stainless Longganisa. Nahiram ko ulit sa kapatid ko, na naghiram lang din. Nauna pa pala yun sa Alamat ng Gubat at Mga Kaibigan Ni Mama Susan (parehong hindi ko pa nababasa).

Bilang tagabasa, minsan nakakainis ang mga sinasabi ni Bob. Nakakainis dahil totoo. Sumasalamin lang sa katotohanan. Tagakwento lang naman siya. Hindi nakapagtatakang maraming hindi umaayon at marami din namang pumapabor. Sabi nga, kanya-kanyang trip lang yan.

Pero anupaman, isa lang ang tiyak. Marami sa mga nakabasa na ang napaisip- napailing o napatungo. Pakatapos mong magbasa, kung may gagawin ka man para magsimula ng pagbabago matapos mung mahalungkat ang kabulukan sa paligid na iyong ginagalawan, ikaw na ang may alam.

Basta ako, tamad akong magbasa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s