Aym [sic] ob dis layp..#BoredMuch

 Kain. Tulog. Trabaho.Bahay. Is this what you call life? Ganito lagi ang drama mo kapag dinapuan ng matiding sakit na mas kilala sa tawag na Boredom.

Minsan mas okay pa yung nagkasipon ka na lang kasi alam mong kayang gamutin ng Neozep o kaya (sige na nga) LBM kasi may Loperamide naman. Pero ang Boredom, mahirap gamutin. At bukod pa dun, di mo alam kung kelan ka lulubayan ng sakit na walang ipinapakitang sintomas. Pa-mysterious effect daw o. Tumambling ka man o kumain ng apoy, pilitin mo mang pagdikitin ang mga mata mo para makatulog ka nalang, to no avail pa din.

Gising ka pa din. Patingin-tingin sa Inbox, baka may magtext bigla at rereplayan mo kahit di naman kailangan para lang may magawa. Kapag minalas, babasahin mo nalang ang lahat ng mensaheng nasa inbox mo simula pa nung huli kang nagdelete all messages, o di kaya paulit-ulit na magababalance inquiry para naman maexcite kang magbasa sa darating na message, kahit pare-pareho ang laman nun, malamang. Mag-gi-GM at ipagdarasal sa lahat ng santong alam mo para may magreply at pansinin ka. Yun ay kung may kilala kang santo. Pero puputi ang mata mo sa kahihintay at unti-unti kang lalamunin ng lungkot.

Kaya ibrowse mo na lang ang lahat ng mga litrato sa gallery. At mag-i-edit ng mga selfie. Kung nagkatong nakasubscribe ka sa FB sa halagang 10 pesos, swerte. Magco-comment sa mga bagong posts at photos, ila-like lahat ng makita kahit website ng kabaong. Pero walang online sa 122 mong friends. Dammit! Irerefresh mo nang irerefresh and news feed dahil hindi ka makapaniwalang walang bagong updates. At tama ka nga, wala! Kaso pano kung wala kang load, expired na FB subscription mo at walang nagtitext? Puto!

Itatapon ang phone sa kama. Bubuksan ang TV. Alas kwatro ng hapon kaya Koreanovela o kaya soap ang palabas. Sa paulit-ulit na plot, nakakaumay na din. Kapag sinuwerte, may mangilan-ngilan namang maganda ang quality. Pero bakit ba ganun ang mga palabas sa hapon, nakaka-taaaaaagaaal ng ooooo-rassss. At bigla pang nagbrownout.

Buti na lang may tindahan kayo, kaya may chance na may makausap kang bibili ng katol, yosi, tuna, at isang supot ng asukal na tigtatatlong-piso. Masaya kang may napadaang isang customer, bumili ng powdered milk na ipapadede sa tatlong taong sanggol. Pero hindi mo close kaya wala kayong short talk. At nagdaan ang dalawa, lima, sampung segundo. Wala nang bumibili.

Punta ka na lang sa study table at kaharap ang mga bond paper at samutsaring bolpen, krayon at lapis, drawing din pag may time. Isketch. Bura. Hindi maganda. Bura. Tabingi. Bura. Arggh. Ngayon pa nangyari yung, ‘runing out of inspiration’. Mahirap ipilit ang hindi pwede, sabi nga.

Kaya magsisiga ka nalang sa pugon at magsasaing, pero nakakinip din ang maghintay na kumulo ag niluluto mo. Kaya patingin-tingin ka na lang ulit sa cellphone mo. Wala namang message. Sa selfie pa din ang tuloy.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s