Ulan

rain

 

Nalunod ka na ba
Sa mga patak ng ulan?
Nagalit
Dahil wala man lamang siyang pasabi
Na darating, babagsak, maninira
Ng araw
Na inantay mo buong linggo simula pa nang malamang mong
Ito ang araw ng paghuhusga
Ng pagtitimbang
Kung sapat na ba ang mga iniregalo mong awit sa kanya
Para makita mo sa unang pagkakataon na ikaw ang dahilan
Ng ningning sa kanyang mga mata
Kahit sa loob ng isang nakaw na segundo
Sa malawak niyang entablado.
Nalunod ka na ba
Sa mga pangakong
Darating siya ng takipsilim sa tagpuan ninyo noon
Nang sa balikat mo siya umiyak
At natuwa ka, hindi dahil nasasaktan siya
Kung hindi dahil baka sakaling makita niya ang buwan sa iyong mga mata
At sayo naman siya tumitig nang matagal,
Habang buhay.
Nalunod ka na ba
Sa mag pangarap mong isinulat sa bangkang papel
At ipinaagos sa alon ng mga panaginip mo tuwing gabi
Kasama siya at siya lang
Kahit hindi naman siya dumating sa pangakong tagpuan?

Nalunod ka na ba
Sa mga patak ng ulan?
Kung hindi pa,
Hindi ka pa nasasaktan.

10142016
sketechophrenic

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s