Pebrero Uno

Nagbihis ako ng itim kaninang umaga, kagaya ng sa ibang ordinaryong araw-
Walang ipinagluluksa pero may patay
Na pusa sa dinaanang kalsada, putok ang mga lamang-loob
Wasak ang utak, pati yung puso nagkalat sa bagong gawang konkreto!
Hindi ko na hihimayin ang detalye baka nanananghalian ka,
O almusal-
Depende kung saang sulok ng araw ka nakaharap.
Walang sulok ang araw-
Tanga!
Araw ng Pebrero Uno.
Andaming amplaya sa palengke nung dumaan ako kaninang alas-otso,
Otsenta kada kilo, tatlong piraso- magkakaiba ang laki, haba, sukat.
Pero pareho lang ang lasa-
Hindi ko tinikman pero nalalasahan ko na kahit sa tingin pa lang.
Hindi mo na kailangang lasahan,
Lalo na kung alam mong mapait.
Hindi naman ako bumili- wala akong pambili ng pait, este ng ampalaya.
Namumutok yung kolorete sa mata nung aleng buntis-
Kakulay ng malunggay, o sige pati na din ng ampalaya- berde!
Nagmumura.
“Tang-ina pansinin ‘nyo ko!”
“Bakit hindi niyo ako pansin?”, tanong nung lalaking namamalimos ng kung ano lang ang kayang ibigay.
Hindi niya yun sinabi, naramdaman ko lang. Pinansin ko siya- hanggang dun lang kasi ang kaya kong ibigay.
Naisip ko lang, baka hindi lang alam nung Ale na ipinapahamak lang siya ng kaibigan niyang nag-alok ng hulugan, paunti-unti. Hindi niya siguro kaya ibigay nang buo.
Maging mapili sa kaibigan.
At tsaka ang pula ng pisngi niya, sinampal nya sakin ang katotohanang Pebrero Uno na!
Bakit ang pula ng paligid?
Masakit sa mata!
Makasalanang mga mata.
Hindi ko narining yung busina ng jeep, malakas ang tugtog na nakasalaksak sa tenga ko-
Ang ingay-
Ang daming salita-
Wala namang sinasabi.
Muntik na akong mahagip ng rumaragasang
Hangin.
Umiwas ako, baka masaktan ako kapag pumasok siya sa mata ko.
Ayokong umiyak sa tapat ng hindi pa nagbubukas na mall,
Wala pang ganong eksena na sumikat sa mga pelikula.
Madalas ang nakapagpapaiyak sa mga bida
Ulan
O kaya sibuyas!
Dagdagan ng konting suka at paminta, may kilawing ampalaya ka na.
Kain tayo ng feelings.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s